Karanasang Hindi Ko Makakalimutan

Karanasang Hindi Ko Makakalimutan

Ang karanasan ko na hindi ko makakalimutan tungkol sa konsensya ay kapag lumabas ako ng bahay ng aking lola. Nakatira kami noon sa probinsya kasama ang maraming kapamilya at kaibigan. Isang araw lumabas ako ng bahay dahil gusto kong makipaglaro sa aking kaibigan sa kanilang bakuran.

Noong ako ay apat na taon pa lamang, madalas akong bumisita sa bahay ng aking kapitbahay upang makipaglaro sa aking mga kaibigan tuwing hapon. Isang araw sa hindi ko inaasahang pagkakataon, hindi ako pinalabas ng lola ko dahil katatapos lang naming kumain ng pananghalian at mainit pa sa labas. Imbes na makinig sa lola ko, lumabas ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Nakipaglaro ako sa mga kaibigan ko hanggang ala sais ng gabi. Sa bahay namin, mayroon kaming sinusunod na patakaran na, dapat umuwi ng bahay bago pumatak ang ala sais ng gabi. Dahil hindi ko namalayan na gabi na pala, hindi ako nakauwi bago mag ala sais. Pagdating ko sa bahay, lahat sila ay nandoon na at hinintay nila ako. Galit na galit ang aking mga magulang kaya ako ay pinagalitan at pinagsabihan.

Mula noon, hindi na ako lumalabas ng bahay kapag hindi nagpapaalam sa aking mga magulang at lola. Hindi na rin ako umu-uwi ng madilim na. Natutunan ko na dapat akong makinig at sumunod sa mga patakaran ng aking mga magulang.

Comments

Popular Posts